Remittance center hinoldap

BULACAN ,Philippines  – Sa ikalawang pagkakataon ay hinoldap ang sangay ng remittance center sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sta. Maria Bulacan kahapon ng umaga. Sa ulat ni PO3 Rodolfo Robielos, bandang alas-11: 50 ng tanghali nang pumasok at holdapin ng tatlong ‘di-kilalang lalaki ang sangay ng LBC remittance center kung saan natangay ang P.2 milyong cash. Wala naman nagawa ang ilang kawani ng nasabing remittance center nabiktima na sina Bambi Ramos, Lilibeth Domingo, at si Warren Walter De Mesa. Lumilitaw naman sa imbestigasyon ng pulisya na umaabot lamang sa P54,824 ang nakulimbat ng mga holdaper base sa transaction receipt ng nasabing remittance center ngunit idineklara ng kanilang team leader ang mas mataas na halaga. Nakatakas naman ang tatlong holdaper na lulan ng motorsiklo.

Show comments