2 pinsan ng ex-vice mayor itinumba

MANILA, Philippines - Dalawang pinsan ng da­ting bise alkalde ang iniulat na napaslang matapos na ratratin ng mga ‘di-kilalang kalalakihan sa highway ng Barangay Nituan sa bayan ng Parang, Maguindanao kahapon. Kinilala ni Col. Prudencio Asto ang dalawa na sina Raul Tomawis at Sandiali Tomawis na kapwa pinsan ni ex-Vice Mayor Alexander Tomawis ng Barira, Maguindanao na itinumba naman sa Davao City noong Nobyembre 2010. Ang mga biktima ay lulan ng berdeng Toyota Hi-Ace van (WHV 377) nang pagbabarilin bandang alas-4:20 ng hapon. Clan war o kaya alitan sa pulitika at lupain ang sinasabing motibo sa krimen habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments