Albularyo dakma sa pangmomolestiya

NUEVA ECIJA, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng isang 49-anyos na albularyo matapos arestuhin ng pulisya sa kasong pangmomolestiya sa dalawang babae sa Barangay Malapit sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Zoilo Dominguez y dela Cruz matapos ang masusing imbestigasyon kaugnay sa reklamong pangmomolestiya sa dalawang 18-anyos na babae na kapwa nakatira sa Barangay San Roque sa bayan ng Cabiao. Ayon sa police report, ang dalawang biktima ay nagtungo sa bahay ng suspek upang magpahilot subalit nauwi sa pangmomolestiya sa loob ng palikuran. Nagawang makatakas ng dalawa kaya naipaabot sa pulisya ang insi­dente.

Show comments