Katiwala sa piggery tinodas
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napaslang ang 22-anyos na katiwala sa piggery matapos saksakin ng kanyang kasama sa trabaho sa Purok 6, Barangay Kinali sa bayan ng Polangui, Albay kamakalawa ng umaga. Bandang alas-10:55 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ni Eric Regalado, binata, caretaker sa piggery na pag-aari ni Bertito Latigay at residente sa Barangay Pandan sa Ligao City. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Erwin Acuna ng Barangay Sogoy, Cumadcad, Sorsogon. Nabatid na tinangay ng suspek ang P2,500 at cell phone ng biktima. Sinasabing nagselos at nagtanim ng galit ang suspek sa biktimang pinagkakatiwalaan ng kanilang amo sa piggery.
- Latest
- Trending