^

Probinsiya

Gas explosion: 3 grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlong empleyado  ang grabeng nasugatan sa nangyaring gas explosion sa isang mining company sa Purok Central , Brgy. Luna, Surigao City nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba ang mga nasugatang biktima na sina Nicolas Tari, James Bolambao at Raul Manlimos; pawang nagtatrabaho sa Silangan Mindanao Mining  Company Incorporated (SMMCI).

Ang mga biktima ay isinugod na  sa Surigao Medical Center sa lungsod upang malapatan ng lunas.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-7:47 ng umaga ng maganap ang pagsabog sa compound ng nasabing minahan sa Purok Central, Brgy. Luna ng lungsod na nabanggit.

Ang pagsabog ay nagmula sa isang drying oven (soil sampling dryer) ng mining company kung saan binuhay umano ito ni Tari pero napansin naman ni Bolambao na tila hindi ito gumagana kaya ini-off muna pati ang gas tank pero binuhay uli ito ng una kung saan biglang sumabog.Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Surigao City Police Station sa kasong ito.

BRGY

COMPANY INCORPORATED

JAMES BOLAMBAO

MARTIN GAMBA

NICOLAS TARI

POLICE SPOKESMAN SUPT

PUROK CENTRAL

RAUL MANLIMOS

SILANGAN MINDANAO MINING

SURIGAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with