Antipolo City ,Philippines – Halos natusta ang katawan ng isang 28-anyos na lalaki matapos na makulong ng apoy ang kaniyang tinutuluyang tahanan sa Brgy. dela Paz ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Supt. Manuel Cesar Prieto, hepe ng Rizal provincial police, ang biktima na si Rogelio Montesclaro, 28, na residente ng Block 10, Lot 18, Piety St., Sitio Logcom, Barangay Dela Paz.
Batay sa ulat ni SFO1 Ernesto San Diego ng Antipolo City Fire Department, dakong alas- 9:55 ng gabi kamakalawa nang maganap ang sunog sa tahanan ng biktima.
Matapos naman ang may 35 minuto ay kaagad ding naapula ang apoy na umabot sa unang alarma pero minalas na masawi ang biktima
Inaalam na umano ng pulisya kung ano ang pinagmulan ng apoy.