2 bangkay ng paslit natagpuan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Matapos ang apat na araw na paghahanap, natagpuan na kamakalawa ng search and rescue team ang bangkay ng dalawa sa tatlong mga bata na nilamon ng malakas na agos sa ilog sa lalawigan ng Isabela.

Nakilala ang mga narekober na bangkay na sina Rickson Rasa, 7; at Eric John, Rasa 6, magkapatid na kapwa residente ng  Barangay Dabburab, Cauayan City.

Napag-alaman na natagpuan umano ng isang mangingisda ang nagsisimula ng maagnas na bangkay ng dalawang bata sa gilid ng ilog sa bahagi ng Barangay Lutlutan, Ilagan, Isabela at Santo Tomas, Isabela.

Patuloy naman na pinaghahanap ng rescue team mula sa Philippine Air Force rescue 922 ang bangkay ng isa pang biktima na si Andrea Maureen Corpuz, 6, residente rin ng nasabing lugar.

Magugunita na ang nasabing mga bata ay tumawid sa ilog habang pauwi sa kanilang tahanan galing sa eskuwela kamakailan ng tangayin ng malakas na agos.

Show comments