^

Probinsiya

2 GRO ni-rape slay

- Ni Raymond Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines -  Malagim ang sinapit ng dalawang Guest Relation Officer (GRO) matapos na paslangin at hinihinalang hinalay sa karumaldumal na krimen sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Cagayan kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang unang biktima na si Merceditas Palajay, tubong Negros Oriental.

Inaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Jesus Paakan ng Brgy. Bugallon sa bayan ng Ramon na sinasabing siyang huling nakitang kasama ng biktima bago nadiskubre ang krimen. Ang nasabing biktima ay pinaniniwalaang hinalay ng salarin base sa kondisyon ng bangkay nito.

Ayon sa pulisya, natagpuan sa Brgy. Bugallon ang bangkay ng biktima na may tama ng bala sa ulo ’di kalayuan sa tahanan ng suspek.

Samantalang, ang bangkay naman ng ikalawang pinatay na GRO ay natagpuang nakabulagta sa isang kanal sa Barangay San Isidro, Santiago City.

Ang bangkay ng biktimang kinilalang si Emily Depectong, 38-anyos ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo.

Hindi parin matukoy ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaril subalit mala­kas ang kanilang hinala na love triangle ang motibo sa naganap na pamamaslang.Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN ISIDRO

BRGY

BUGALLON

EMILY DEPECTONG

GUEST RELATION OFFICER

JESUS PAAKAN

MERCEDITAS PALAJAY

NEGROS ORIENTAL

SANTIAGO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with