RIZAL, Philippines — Walong bata na sinasabing nakagat ng asong may rabies (hydrophobia) ang isinugod sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Rizal, ayon sa iniulat kahapon. Sa tala ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center, simula noong Enero 5 lamang hanggang kahapon ay walo-katao na ang na-confine dahil sa kagat ng aso na sinasabing may virus na rabies kung saan naapektuhan ang central nervous system. Tatlo sa huling naisugod sa ARMMC ay nakilalang sina Job Bisallo, 5; Aika Shane Competente, 6; at si Joel Espiritu, 7, pawang residente ng Purok-1, Zone-8, Barangay Cupang, Antipolo City, Rizal. Sinumang nakagat ng asong may rabies sa loob ng 10-araw hanggang 1-taon ay kakikitaan ng sintomas na pagkairita, paglalaway, pamamanhid ng lalamunan, hirap huminga at desperado.