^

Probinsiya

Diarrhea outbreak: 3 katao dedo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang aabot naman sa 60 ang naisugod sa Calubian District Hospital mula sa apat na bayan sa lalawigan ng Leyte matapos tamaan ng sakit na diarrhea.

Ayon kay Department of Health Region 8 director Dr. Edgardo Gonzaga, pinaka-grabeng nadale ay ang bayan ng Calubian kung saan umabot sa 20 barangay ang naapektuhan ng diarrhea kaya idineklarang diarrhea outbreak.

Nadale rin ng diarrhea ang bayan ng mga Leyte, San Isidro at Tabango kung saan mga bata ang iniulat na namatay na may edad na 11, 12, at 15 mula sa mga Barangay Ul-og at Kawayan.

Nabatid na Disyembre 2011 nang magsimulang isugod sa mga ospital ang mga biktima dahil sa ma­tinding pananakit ng tiyan at pagdudumi.

Namahagi na ang mga doktor ng chlorine sa mga residente para ihalo sa tubig at nagsasagawa ng inspection sa bahay-bahay ang mga local health authorities upang turuan ang mga residente para makaiwas sa diarrhea.

Posibleng dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan ang nakaapekto sa water reservoir o pumasok ang tubig-baha sa mga butas na linya ng tubo ng tubig kaya gumapang ang diarrhea.

Samantala, nakatakda namang magsagawa ng joint investigation ang DOH, provincial health office at office of the civil defense sa bayan ng Calubian upang matukoy ang ugat ng nasabing sakit.

AYON

CALUBIAN

CALUBIAN DISTRICT HOSPITAL

DIARRHEA

DISYEMBRE

DR. EDGARDO GONZAGA

LEYTE

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with