3 bata nilamon ng ilog

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya ,Philippines  – Tatlong batang mag-aaral ang nawawala matapos anurin ng tubig-ilog sa Cauayan City, Isabela kamakalawa. Pinagtutulungan namang hanapin ng search and rescue team ang mga biktimang sina Andrea Maureen Corpuz, 6; magkapatid na Rickson Rasa, 7; at Eric John, Rasa 6, pawang nakatira sa Barangay Dabburab ng nasabing Lungsod. Ayon sa ulat, huling namataan ang tatlo na maagang pinauwi ng kanilang guro subalit hindi nakauwi kaya nabahala ang mga magulang at humingi ng saklolo sa mga awtoridad. Ang mga bags at tsinelas ng tatlo ay nakita sa gilid ng ilog kung saan sila huling nakita.

Show comments