Binata kinatay ng karibal

LEGAZPI CITY, Albay  ,Philippines – Napaslang ang isang 23-anyos na lalaki habang kritikal naman ang kanyang pinsan matapos pagtatagain ng kanilang kainuman sa Purok 3, Barangay Maulawin sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Niel John Serrano samantalang ginagamot naman sa St. Peter General Hospital sa bayan ng Calauag, Quezon ang sugatang si Jerome Serrano, 23, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Marcklin Pajardo, 20, ng Sitio Tigas sa nasabing barangay. Nabatid na nag-iinuman ang magpinsan nang magalit ang suspek kay Serrano dahil niligawan din ang dalagang nililiyag ng una.

Show comments