Prostitusyon sa Gapo protektado

OLONGAPO CITY ,Philippines  – Pinaniniwalaang naging inutil ang pamunuan ng Olongapo PNP laban sa patuloy na paglaganap ng prostitusyon na animo’y kabute sa iba’t- ibang lugar malapit sa main at exit gate ng Subic Bay Freeport Zone.

Base sa impormasyon nakalap ng Pilipino Star NGAYON mula sa mapagkakatiwalaang source na tumangging ilathala ang pangalan, sinasabing kinukunsinti at protektado ng kapulisan sa nasabing lungsod ang malawakang prostitusyon.

Kabilang sa mga lugar na binanggit ng source na pinagkukunan ng “pokpok” ay sa Magsaysay Drive, Rizal Avenue, harapan ng Olongapo City Public Market, at sa Rizal Triangle may ilang metro lamang ang layo sa City Hall. Karamihan sa mga nagbebenta ng panandaliang-aliw na kabataang babae ay ilang metro lamang ang layo sa mga presinto ng pulisya sa Olongapo City kung saan sinasabing ang mga tumatayong bugaw ay mismong kaalyado ng ilang opisyal ng PNP. “Kapag may mga bisitang kalalakihan ang isang opisyal ng pulis sa Gapo, kaagad na may nakahandang batambatang babae mula sa Magsaysay Drive na inirerekomenda naman ng kanilang kaalyadong bugaw,” pahayag ng source. 

Nanawagan naman ang mga residente sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan partikular na kay PNP Chief Director Nicanor Bartolome na disiplinahin ang mga opisyal ng pulisyasa nasabing lungsod para masawata ang lumalalang prostitusyon.

Show comments