^

Probinsiya

Landslide: 25 dedo, 150 nawawala

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 25-katao ang iniulat na nasawi na habang nasa 150 iba pa ang nawawala matapos matabunan ng tone-toneladang putik na bato ang 50 kabahayan sa naganap na landslide sa Barangay Napnapan sa bayan ng Pantukan, Compostela Valley noong Huwebes ng madaling-araw.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, naitala ang landslide dakong alas-4 ng madaling- araw sa Sitio Diat 1 at Diat II, sa nasabing bayan.

Aabot naman sa 15-katao ang sugatang n­ailigtas matapos ru­mes­ponde ang search and rescue team ng Army’s 71st Infantry Battalion sa ilalim ng superbisyon ni Army’s 1001st Brigade commander Col. Roberto Domines, kasama ang  pulisya at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Nabatid na bumigay ang bahagi ng bundok na tumabon sa tinatawag na 700 tunnel kung saan aabot sa 50 katao ang nalibing nang buhay pero nasa 25 pa lamang ang narerekober na bangkay habang mahigit sa 100 pa ang nawawala.

Lumilitaw na ang landslide ay sanhi ng small scale mining operations kung saan tuluyang gumuho ang bundok gayong hindi naman malalakas ang pag-ulan sa nasabing lugar.

Ang nasabing lugar ay kabilang sa mga naidekla­rang ‘landslide' prone area’ ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources noon pang Abril 2011 kung saan pinalikas at ipinagbawal ang manatili dahilan sa peligroso ito sanhi ng crack ng bundok.

Hindi pa nakakaba­ngon ang bansa sa grabeng epekto ng bagyong Sen­dong noong Disyembre 2011 kung saan nag-iwan ng 1, 257 patay sa mga lung­sod ng Cagayan de Oro at Iligan ay delubyo naman ng landslide ang sumalubong sa 2012, ayon sa NDRRMC.

Magugunita na no­ong  Abril 2011 ay 10-katao ang iniulat na nasawi habang 40 pa ang nawawala sa landslide sa Barangay Kingking sa bayan din ng Pantukan.

Gayon pa man, nagpadala na ng mga bulldozer at iba pang heavy equipment sa lugar ang tropa ng Philippine Army para magamit sa search and retrieval operations.

Kasabay nito, idineklara na ni Compostela Valley Gov. Arturo Uy ang state of calamity sa nasabing lugar bunga ng matinding delubyo ng landslide.

ABRIL

ARTURO UY

BARANGAY KINGKING

BARANGAY NAPNAPAN

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELA VALLEY GOV

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

INFANTRY BATTALION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with