Misis ni-rape slay ng adik

MANILA, Philippines - Hubo’t hubad ang duguang katawan nang matagpuan ang isang 25-anyos na misis matapos gahasain ay pinatay pa ng mga kalalakihan na sinasabing bangag sa bawal na droga sa San Pablo City, Laguna kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Ariane Cabezas Villamater, tubong Cogeo Antipolo, City at nakatira sa Green Valley Subdivision, Barangay San Francisco sa nasabing lungsod. Sa ulat ng tanggapan ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz, bandang alas- 7 ng umaga nang matuklasan ang bangkay ng biktima sa bakante at masukal na bahagi ng subdivision habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments