Mag-asawa lasog sa bus

CAMARINES NOR­TE, Philippines – Kamatayan ang suma­lubong sa mag-asawang magkaangkas sa motorsiklo makaraang salpukin ng pampasaherong bus sa kurbadang kalsada sa Maharlika Highway sa Barangay Tuaca, Basud sa Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Insp. Arcelia Bas ang mag-asawang nasawi na sina Ely Briones, 35, minero; at Eva Briones, 44, kapwa nakatira sa Barangay Gumaus, Paracale, Camarines Norte.

Naganap ang sakuna bandang alas-10:05 ng umaga, habang magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa patungo sa bayan ng Lupi upang bisitahin ang mga kamag-anak.

Sinasabing sinakop ng motorsiklo ng mag-asawa ang kabilang linya ng kalsada sa curve lane kung saan nakasalubong ang pampasaherong bus (EVR 246) ni Roel Mirabelles, 43, ng Brgy Motherlode, Jose Panganiban.

Show comments