Paputok sumabog: bata lasog

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Isang 9-anyos na batang lalaki ang iniulat na namatay habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang masabugan ng paputok na kanilang kinolekta sa Briones compound sa Maharlika Highway, Barangay Dicarma sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Roberto Aliggayu, Nueva Ecija PNP director, ang nasawi na si John Vincent Gonzales, Grade 3 pupil, ng Barangay Cojuangco, Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Naisugod naman sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center ang dalawang nasu­gatang sina Rowel Pobre, 10; at Richard Rivas, 9, kapwa nakatitra sa nabanggit na barangay.

Lumilitaw na nangulekta ang mga biktima ng mga depektibong paputok sa nasabing compound kung saan inipon ang pulbura sa maliit na container.

Sa hindi inaasahan ay biglang sumiklab at sumabog kung saan nadale ang tatlo.

Show comments