^

Probinsiya

29 sugatan sa paputok

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines  – Umaabot sa 29-katao sa Region 2 ang iniulat na nasugatan sa pa­putok sa pagsalubong sa Ba­gong Taon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kabilang sa mga nasu­gatan na isinugod sa Peo­ple’s General Hospital ay sina Juanito Sy, Carmelita Dayag, Lemuel Caronan at Harold Alpino na pawang nakatira sa Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala naman ang tina­maan ng ligaw na bala na si Almax Bacud ng Barangay Linao Norte na naisugod sa Cagayan Valley Medical Cen­ter.

Sa Cagayan ay aabot sa apat ang biktima habang sa Nueva Vizcaya ay 6, sa Isabela ay 8, habang sa mga lalawigan ng Quirino at Batanes ay walang naging biktima ng paputok sa pag­sa­lubong sa Bagong Taon.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Rodrigo de Gracia, bagama’t may mga insidente ng pa­pu­tok ay mapayapa pa rin ang pagsalubong ng mga residente sa pagpasok ng 2012. Samantala, sampung iba pa ang unang iniulat na na­ging biktima ng paputok sa region 2 nitong mga hu­ling araw ng Disyembre, ayon naman sa tala Depart­ment of Health.

ALMAX BACUD

BAGONG TAON

BARANGAY LINAO NORTE

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CEN

CARMELITA DAYAG

CHIEF SUPT

GENERAL HOSPITAL

HAROLD ALPINO

JUANITO SY

NUEVA VIZCAYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with