QUEZON, Philippines – Nagdiwang ang kampon ni kamatayan makaraang malasog sa tren ang isang lalaking senglot na nakatulog sa riles kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Seguiwan sa bayan ng Tagkawayan, Quezon.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Niel Joseph Eustaquio habang pinaghahanap naman ang train operator na nakilala lamang sa apelyidong Mendez.
Sa imbestigasyon nina PO2 Nestor Lantting at PO1 Ronaldo Dionido, bago naganap ang insidente ay nakipag-inuman ang bik tima sa kanyang kaibigan sa karatig barangay.
Nang malasing ang biktima ay nagpaalam na sa kanyang mga kainuman kung saan pasuray-suray na naglakad pauwi.
Sinasabing pansamantalang nagpahinga sa riles ng tren ang biktima hanggang sa makatulog sa pag-aakalang ligtas sa anumang kapahamakan.
Dakong alas-2:20 ng madaling-araw nang businahan ng Bicol bound na tren ang nakatulog na biktima at dahil sa kahimbingan ay tuluyang hindi na naimulat pa ang mga mata nito.