Kargador pisak sa Roro bus

Masbate, Philippines  — Halos napisak ang katawan ng isang 39- anyos na kargador matapos itong aksidenteng magulu­ngan ng isang Roro transport service bus sa pantalan ng Masbate City kamakalawa. Sa ulat ni Sr. Supt. Heriberto Olitoquit, Acting Chief of Police ng Masbate City, kinilala ang nasawi na si Michael Duano, idinekla­rang dead-on-arrival sa Masbate Doctors Hospital. Base sa imbestigasyon, naganap ang sakuna sa pantalan ng Masbate City bandang alas- 8:30 ng umaga. Nabatid na kasalukuyang nagmamaniobra ng Roro transport service bus na minamaneho ni Sherwin Oquenso, 36-anyos  sa lower deck ng M/V Sofia nang aksidente nitong magulungan ang biktima. Sa bilis ng pangyayari ay nabigo na si Oquenso na iwasan ang nasabing kargador na halos napisak ang katawan sa insidente. Inaresto naman ng mga awtoridad ang driver na ngayo’y nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Show comments