^

Probinsiya

Berdugong Sayyaf, tiklo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang itinuturing na berdugo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa pamumugot ng ulo ng 10 sa 14 Marines na napatay sa ambush sa Basilan ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa Isabela City ng lalawigan kahapon ng madaling-araw.

 Kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang nasakoteng suspek na si Boy Abulphata aka Boy Pahta, isang notor­yus na Sayyaf member na nasa watchlist ng PNP.

Ayon kay Cruz, bandang alas-12:07 ng mada­ling araw ng masakote si Pahta ng pinagsanib na elemento ng AFP Task Force Basilan, Special Action Force Battalion at Regional Intelligence Division ng Police Regional Office (PRO) 9 sa Brgy. Kumalarang ng lungsod.

Sa tala ng militar, ang suspek ay kabilang sa mga berdugo ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama na nasangkot sa pamumugot ng ulo 10 sa 14 na­patay na elemento ng Philippine Marines sa Brgy. Guinanta, Al Barkha, Basilan noong Hulyo 2007.

Bukod dito ang suspek ay sangkot rin sa Dos Palmas kidnapping sa Puerto Princesa City, Palawan noong Mayo 27, 2001 kung saan ang mga hostages kabilang sina US mis­sionary couple Gracia at Martin Burham ay dinala at itinago sa lalawigan ng Basilan.

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

ABU SAYYAF GROUP

AGRIMERO CRUZ JR.

AL BARKHA

BASILAN

BOY ABULPHATA

BOY PAHTA

BRGY

DOS PALMAS

ISABELA CITY

MARTIN BURHAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with