^

Probinsiya

11-anyos ni-rape slay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Karumaldumal ang sinapit ng isang 11-anyos na batang babae matapos itong gahasain ay paslangin pa ng hindi nakilalang salarin sa luksang pagsalubong sa bagong taon ng pamilya nito sa Bislig City, Surigao del Sur, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Supt. Martin Gamba, Spokesman ng CARAGA Police, bandang alas-6  ng gabi ng matag­puan nitong Huwebes ang bangkay ng biktimang kinilalang si Emelita Cavite, Grade IV pupil at residente ng Brgy. Burbu-anan ng nasabing lungsod. Ang  hubo’t hubad na bangkay ng biktima ay tadtad ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan maliban pa sa mga pasang tinamo nito at bukod dito ay duguan rin ang ari nito. Sa imbestigasyon, nabatid na ang biktima ay nabigong makauwi ng kanilang tahanan noong Miyerkules ng gabi matapos itong biglang mawala habang nangunguha ng panggatong na kahoy sa masukal na bahagi ng kanilang barangay. Nitong Huwebes ng gabi ay nadiskubre ang masaklap na sinapit ng biktima matapos na matagpuan ang bangkay nito sa masukal na bahagi ng isang niyugan sa Brgy. Burbu-anan.  Isinasailalim na sa imbestigasyon ang kasong ito upang maaresto ang salarin.

vuukle comment

AYON

BISLIG CITY

BRGY

BURBU

EMELITA CAVITE

HUWEBES

ISINASAILALIM

KARUMALDUMAL

MARTIN GAMBA

NITONG HUWEBES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with