15-anyos dedo sa mag-ama

LUCENA  CITY, Quezon, Philippines  — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 15-anyos na estu­d­yan­te matapos pagtulungang gulpihin at saksakin ng mag-ama kamakalawa ng gabi sa La Milagrosa Subdivision, Barangay 9, Lucena City, Quezon.

Nagtamo ng mga pasa sa mukha at saksak sa katawan si William Flores, 4th year sa Quezon Na­tional High School at residente ng nasabing barangay habang naaresto naman ang suspek na si Rolando Velasco ng Barangay Cotta at tugis naman ang anak nitong si Clifford,18.

Sa imbestigasyon ni PO3 Aldi Ranola, bago naganap ang pamamaslang ay nakipagtalo ang biktima sa batang babaeng anak ng matandang Velasco sa Perez Park.

Matapos makipagtalo ng biktima ay winasak nito ang mga paninda ng batang Velasco. Umiyak na nagsumbong ang bata sa kanyang tatay na si Rolando at kapatid na si Clifford kung saan pinagtulungang gulpihin at saksakin.

Show comments