^

Probinsiya

80 bata nailigtas sa flashflood

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 80 bata na sinasabing na-trap sa tubig-baha matapos na dumalo sa youth camp ang nasagip ng mga awtoridad sa bayan ng Kapalong, Davao del Norte noong Martes.

Sa ulat ng Office of Civil Defense Region XI, ang mga bata ay nagka-camping sa Barangay Florida nang abutan ng flashflood dakong alas-2 ng madaling araw.

Kaagad namang inilatag ang search and rescue ope­rations ng pulisya at Philippine Army kung saan nasagip naman ang mga bata bago pa man mapahamak.

Nabatid na ang mga nasagip na bata ay maayos namang nakabalik sa kanilang tahanan sa Tagum City.

Sa tala ng Office of Civil Defense kabilang ang bayan ng Kapalong sa mga lugar na apektado ng flashflood sa Region XI.

Samantala, aabot naman sa 300 pamilya ang inilikas sa gymnasium sa Kapalong bunga ng flashflood na nararanasan.

BARANGAY FLORIDA

DAVAO

KAAGAD

KAPALONG

NABATID

NORTE

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

OFFICE OF CIVIL DEFENSE REGION

PHILIPPINE ARMY

TAGUM CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with