^

Probinsiya

Mag-ama todas sa grupo ng konsehal

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Inunahan ni kamatayan sa pagsalubong sa Bagong Taon ang mag-ama makaraang pagtulungang gulpihin at pagsasaksakin ng grupo ng konsehal sa Barangay Caloco sa bayan ngTinambac, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mag-­amang Noli Estrelles, 50; at Joel Estrelles, 28, habang tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Melquidas Corporal, Edwin Corporal Jr., Eric Corporal, at Edwin Joseph Alvarez.

Lumilitaw na napagtripang suntukin ng matandang Corporal si Joel na nakaupo sa gilid ng kalsada subalit sumablay dahil nakailag ang huli.

Sa pag-aakalang sinaktan ni Joel ang matandang Corporal ay sumaklolo ang dalawa nitong anak na lalaki kung saan pinagtulu­ngang gulpihin.

Dito na lumapit at sinaksak ni Barangay Councilor Melquidas ang batang Estrelles.

Tinangka namang saklolohan ng matandang Estrelles ang kanyang anak subalit maging siya ay sinaksak din ng suspek kung saan magkasabay na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

vuukle comment

BAGONG TAON

BARANGAY CALOCO

BARANGAY COUNCILOR MELQUIDAS

CAMARINES SUR

EDWIN CORPORAL JR.

EDWIN JOSEPH ALVAREZ

ERIC CORPORAL

ESTRELLES

JOEL ESTRELLES

MELQUIDAS CORPORAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with