Tinedyer dinedo sa tindahan

CAMARINES NORTE  ,Philippines - Napaaga ang kamatayan ng isang tinedyer matapos saksakin ng di-kilalang lalaki sa loob ng tindahan sa bahagi ng Purok 3, Barangay Dogongan sa bayan ng Daet kamakalawa ng madaling araw. Sa ulat ni PO3 Michael Surla, lumilitaw na nakipag-inuman sa kanyang mga kaibigan ang biktimang si Ernanie Gaza, 19, kung saan nakatulog sa nasabing lugar bandang alas-3 ng madaling-araw ay natagpuang patay na at may limang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Samantala, nakikipaglaban naman kay kamatayan ang isang 29-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng kanyang nakaalitan sa panulukan ng Zabala Street at Vinzons Avenue kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang ginagamot sa Camarines Norte Provincial Hospital si Gilberto Quizon ng Purok 6, Brgy Pamorangon.

Show comments