Biruan nauwi sa patayan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Napaslang ang isang 52-anyos na magsasaka makaraang saksakin ng kanyang kainuman dahil sa biruan sa Sitio Masapok, Barangay Bulawan sa bayang na Sipocot , Camarines Sur kamaka­lawa ng gabi. Napuruhan sa leeg si Igmedeo Talastasin habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Ruben Gabon, 39, kapwa magsasaka at naninirahan sa nabanggit na barangay. Base sa police report, limilitaw na kapwa lango sa alak ang dalawa nang magkabiruan. Gayon pa man, napikon ang suspek sa masamang biro ng biktima kaya naganap ang pananaksak.

Show comments