^

Probinsiya

Eskuwelahan sinunog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinunog ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan ang  gusali sa isang eskuwelahan sa high school sa Brgy. Pandan, South Upi, Maguindanao kamakalawa.

Ayon kay Col. Prudencio Asto, Chief ng Public Affairs Office ng Army’s 6th Infantry Division (ID), bandang alas-10 ng gabi nang maganap ang panununog sa  Pandan National High School sa Brgy. Pandan nang nasabing bayan.

Partikular na binuhusan ng gasolina saka sinilaban ang Social Hall building ng nasabing eskuwelahan.

Bago ang insidente ay nakita ng ilang mga naninirahan sa lugar ang mga kahina-hinalang kalalakihan na umaaligid sa naturang paaralan.

Sa pahayag ng mga residente sa lugar, nakita pa nila ang ilang kalalakihang nagsisipanakbuhan palayo sa nasabing lugar matapos na magliyab ang eskuwelahan.

Naabo ang nasabing gusali at napigilan naman na kumalat pa ang sunog sa mga katabi nitong silid aralan matapos na magres­ponde ang mga bumbero at maapula ang apoy.

Isinasailalim na ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang motibo ng nangyaring panununog sa eskuwelahan.

AYON

BRGY

INFANTRY DIVISION

ISINASAILALIM

PANDAN NATIONAL HIGH SCHOOL

PRUDENCIO ASTO

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

SOCIAL HALL

SOUTH UPI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with