Pader gumuho: Obrero utas

RIZAL, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa isang obrero habang limang iba pa ang nasugatan matapos gumuho ang konkretong pader sa construction site sa Marcos Highway sa Barangay Masinag, Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga.

Halos mapisak ang ka­tawan ni Allan Platado habang naisugod naman sa Antipolo Medical Hospital at Blessed Trinity Hospital  ang mga sugatang sina Anthony Ginucor, Dexter Algullo, Jonjon Cabaro, Jeric Pabor at si Crispin Brujan.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na abala ang mga biktima sa pagsesemento nang bumigay ang pundasyon na nagsisilbing perimeter fence sa itinatayong billboard sa kilalang mall.

Pansamatalang ipinatigil ng lokal na pamahalaan ang ginagawang istraktura habang patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments