Vice mayor bulagta sa riding in tandem

MANILA, Philippines – Isa na namang opisyal ng lokal na pamahalaan ang iniulat na itinumba habang sugatan naman ang misis nito matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa bisinidad ng Barangay Poblacion sa bayan ng Ipil, Zamboanga, Sibugay noong Martes ng hapon.

Kinilala ang napatay na opisyal si Vice Mayor Carlito Bayawa ng bayan ng Siay habang isinugod naman sa ospital ang sugatang misis nito na si Susan Bayawa.

Bandang alas-4:50 ng hapon nang lapitan at ratratin ang biktima sa harapan ng Development Bank of the Philippines (DBP) Building.

Napag-alamang naglalakad ang biktima at asawa nito patungo sana sa ATM machine para mag-withdraw nang makasalubong si kamatayan.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang asawa ni Vice Mayor Bayawa kung saan mabilis na tumakas ang gunmen matapos matiyak na patay na ang target.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong pulitika ang isa sa motibo sa pamamaslang.

Show comments