Nang-agaw ng nobya, grinipuhan

CAMARINES NORTE, Philippines - Sinaksak at malubhang nasugatan ang isang 19-anyos na lalaki matapos agawin nito ang nobya ng kanyang kaibigan kamakalawa ng madaling araw sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Allan Ramos, nagtamo ng malalim na saksak sa kaliwang tagiliran si Edward Bautista Jr. ng Purok 2, Greenbelt Subd. sa Barangay Alawihao. Naaresto naman ang suspek na si Albert Factor, 19, ng Moreno Street sa bayan ng Daet. Nabatid na nagalit ang suspek dahil namataan nito ang kanyang nobya na kasama ng biktima sa Freedom Park matapos na mag-Simbang Gabi ng dalawa sa St. John the Baptist Church.

Show comments