^

Probinsiya

3 police rescuer nagbuwis ng buhay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang isa sa police rescuer habang patuloy pang pinaghahanap ang dalawa pa nitong kasamahan na pinaniniwalaang namatay na rin matapos na tangayin ng malakas na agos ng tugib-baha sa kasagsagan ng search and rescue ope­ration sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Sendong noong Sabado sa Cagayan de Oro City.

Kinumpirma ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome, ang pagkakakilanlan sa rescuer na nagbuwis ng buhay na si SPO1 Charlon Edrote.

Si SPO1 Edrote ay natagpuan ng search and retrieval team habang ang survivor na si SPO2 Roque Balestoy ay napadpad naman sa may Camiguin island matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig baha.

Patuloy namang pinaghahanap ang dalawa pang nawawalang rescuer na tinukoy sa pangalang P/Inspector Penaliar at PO2 Sandy Labadan.

Ipinaabot na ni Bartolome ang pakikidalamhati ng liderato ng PNP sa mga naulila ng bayaning rescuer.

 “This should not dampen the spirit of your policemen, kasi tayo talaga sa service ay laging may kaakibat na risk at nakahanda naman lagi tayo  sa ganitong pagkakataon,” dagdag pa ni Bartolome

Sa kabila nito, sinabi ng PNP Chief na umaasa silang buhay na marerekober ang dalawa pang nawawalang pulis na kabilang sa search and rescue team.

Tiniyak rin ni Bartolome ang financial assistance sa pamilya ng nasawing pulis kung saan gagawaran ng posthumous promotion.

BARTOLOME

CAMIGUIN

CHARLON EDROTE

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

EDROTE

INSPECTOR PENALIAR

IPINAABOT

ORO CITY

ROQUE BALESTOY

SANDY LABADAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with