Maguindanao blast: 2 gutay, 2 grabe
MANILA, Philippines - Muling naiwasan ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang pagsalakay ni kamatayan makaraang sumabog ang bomba na ikinasawi ng 2-katao habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan sa naganap na trahedya sa ika-17th founding anniversary sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng umaga.
Sa phone interview, sinabi ni Maguindanao PNP director P/Senior Supt. Marcelo Pintac, dakong alas-10:45 ng umaga nang umalingawngaw ang malakas na pagsabog sa bahagi ng Barangay Poblacion Dalican.
Ligtas naman ang kalagayan ni Gov. Mangudadatu dahil may 800 metro ang layo nito sa sumabog na bomba.
Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaki na nagkalasug-lasog ang katawan habang patuloy namang ginagamot sa ospital ang dalawang sugatan.
Ang improvised explosive device (IED) ay inilagay sa pumpboat engine motorcycle sa tapat ng bahay ng yumaong si ex-Maguindanao Board member Datu Rusman.
Sa tala ng pulisya, si Rusman at bystander na si Raffy Parenas ay nasawi sa unang pagtatangka sa buhay ni Mangudadatu matapos na pasabugan ang convoy nito sa Tacurong City noong Agosto 15, 2011.
- Latest
- Trending