2-anyos nalunod sa irigasyon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Hindi na mararanasan ng isang 2-anyos na batang lalaki ang maligayang dulot ng Kapaskuhan para sa mga bata matapos na ito ay malunod at mamatay sa irrigation canal sa Barangay Silangang Mayao sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Russel Salcedo na sinasabing iniwan ng kanyang ama na nakaupo sa beranda ng kanilang bahay malapit sa kanal. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Joseph Tamaray, pagbalik ng ama ng bata ay nakita nitong nagkakagulo na ang mga kapitbahay dahil nakitang nahulog ang bata hanggang sa tangayin ng agos ng tubig. Natagpuan ang katawan ng biktima na halos isang kilometro ang layo mula sa kanilang bahay.

Show comments