Barangay chairman itinumba

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa harapan ng simbahan sa Barangay Tabuan sa bayan ng Arayat, Pampanga kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Arayat District Hospital ang biktimang si  Chairman Romeo Quiambao, 64, ng Barangay Tabuan.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaril sa kahabaan ng O-G Road sa harapan ng Sto. Niño  Parish Church dakong alas-6:30 ng gabi.

Napuruhan sa ulo at dibdib ang biktima habang tumakas naman ang gunmen matapos masiguro na patay na ang target.

Show comments