Utol ng isa sa Morong 43 nilikida

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang magsasaka na sinasabing utol ng isa sa Morong 43 makaraang pagbabarilin ng mga 'di-kilalang lalaki sa harap mismo ng kanyang misis sa bayan Mamburao, Occidental Mindoro kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Guillermo Castillo, 46, miyembro ng samahan ng magsasaka sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Si Guillermo ay kapatid ni Eli Castillo, isa sa Morong 43 na pinaniniwalaang New People’s Army kung saan naaresto sa bayan ng Morong, Rizal noong Pebrero 6, 2010. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaril sa tahanan ng biktima sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro dakong alas-6:30 ng gabi.

Show comments