Ex-barangay chairman nilikida
December 11, 2011 | 12:00am
MANILA, Philippines - Napatay ang dating barangay chairman matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan na sinasabing mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Pinagbayanan sa bayan ngTaysan, Batangas kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si ex-chairman Narciso Purino, 52, sa nabanggit na barangay. Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame ni P/Senior Inspector Allan Reyes, naganap ang pamamaril sa bahay pahingahan ng biktima bandang alas- 4 ng hapon kung saan nagpapakain sa kaniyang mga alagang baboy.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest