LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa mag-amang magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-kilalang lalaki sa bahagi ng Sitio Tahiran, Barangay Sta. Rosa sa bayan ng San Jacinto, Masbate.
Bandang alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang mga bangkay ng mag-amang Osias “Saying” Oliva, 54; at Dante “Boking” Oliva, 29. Base sa police report, dinukot muna ang mag-ama mula sa kanilang bahay saka pinagbabaril.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya, lumilitaw na ang mag-ama ay sinasabing mga pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Alicia Almoguerra noong Okt. 25, 2011 kung saan kinasuhan na ang dalawa.
May teorya ang pulisya na paghihiganti ang isa sa motibo kaya pinatay ang mag-ama.