6 dinakma sa pot session

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines  – Kalaboso ang binagsakan ng anim-katao kabilang ang mag-asawa matapos arestuhin ng pulisya sa pot session sa Barangay Quirino sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya kamakalawa ng umaga.

Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Alberto Bagarra, hepe ng Solano PNP, ang mga suspek na sina Alfredo Guiab, 43; Michael Naguit, 40; Jeffrey Dela Santa, 28; Jenny Butalid at ang mag-asawang Rosalie Calma, 41; at Joselito Calma, 44.

Ang mga suspek ay naaktuhan sa pot session sa bahay ng mag-asawang Calma sa Dupan Street matapos isilbi ang search warrant na inisyu ni Judge Fernando Flor ng Regional Trial Court Branch 28. Nasamsam sa mga suspek ang 13 plastic sachet na shabu at ilang drug paraphernalia.

Base sa police report, sina Naguit at Guiab ay nasa talaan ng drug personalities na hawak ng PDEA.

Show comments