Sundalo, 2 Cafgu dedo sa NPA

MANILA, Philippines - Isang sundalo at dalawang miyembro ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit ang iniulat na napatay matapos makasagupa ang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Barangay Aningalan, San Remegio, Antique noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Absalon Labitan ng Phil. Army; Julie Huayang at Vivencio Mutha, kapwa Cafgu. Sa ulat na nakarating kay Army spokesman Major Harold Cabunoc, nagsasagawa ng security patrol ang tropa ni Labitan sa masukal na bahagi ng nasabing lugar nang makasagupa ang mga rebelde.

Nagawang matangay ng mga rebelde ang isang M16 rifle, isang M14 rifle, carbine rifle at handheld radio.

Show comments