^

Probinsiya

Saleslady hinoldap ng taxi driver

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang saleslady ang nagtamo ng mga sugat at galos sa katawan nang tumalon ito sa sinasakyang taxi sa matinding takot matapos na holdapin ng driver sa kahabaan ng highway ng North Reclamation Area, Cebu City kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng pulisya, halos tulala pa ng dumulog sa Theft and Robbery Section ng Cebu City Police Office (PPO) ang biktimang kinilalang si Anecita Auman, 26 anyos ng Brgy. Tabok, Mandaue City. Sa salaysay ng biktima dakong alas-10:30 ng gabi ng pumara siya ng taxi sa labas ng mall sa nasabing lungsod upang umuwi na sa kanilang tahanan. Gayunman may ilang metro pa lamang ang nakakalayo ay agad siyang tinutukan ng driver ng baril sabay deklara ng holdap na nagalit ng abutan niya ng P300.00 kung saan ay dinala siya sa madilim na lugar at pinalipat ng upuan sa tabi nito sa unahan ng taxi. Sa matinding takot ng biktima ay ibinigay sa holdaper na taxi driver ang natitira pa nitong P1500,00 at cell phone na dahil sa matinding takot na kung ano pa ang gawin sa kaniyang ng suspek ay tumalon ang biktima sa behikulo.

vuukle comment

ANECITA AUMAN

BRGY

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE OFFICE

GAYUNMAN

ISANG

MANDAUE CITY

NORTH RECLAMATION AREA

TABOK

THEFT AND ROBBERY SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with