^

Probinsiya

3 guro nakaligtas sa Sayyaf kidnapper

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nasilat ang tangkang pagdukot ng mga pinaghihinalaang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa tatlong guro sa elementary sa eskuwelahang pinagtuturuan ng mga ito sa Brgy. Limaong, Zamboanga City nitong Huwebes ng hapon.

Sa phone interview, kinilala ni AFP- Western Min­danao Command Spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang ang mga muntik ng makidnap na sina  Riza de la Cruz , Lee Mariano at Lerna Cabilis; pawang guro sa Limaong Elementary School.

Ayon kay Cabangbang, dakong alas-3:45 ng hapon nang bigla na lamang sumulpot ang mga kidnapper na armado ng cal . 45 pistol sa eskuwelahang pinagtuturuan ng mga biktima sa Sitio Tige, Brgy. Limaong ng lungsod na ito.

Agad na sinunggaban ng mga kidnapper ang tatlong guro na tinutukan ng baril at kasalukuyang kinakaladkad patungo sa tabing dagat upang isakay sana sa pumpboat.

Nagresponde naman ang mga elemento ng CAFGU Active Auxiliary (CAA’s)  ng 1st Zamboanga City CAA Company sa ilalim ng superbisyon ng Task Force Zamboanga.

Nagpaputok ng warning shot sa ere ang mga CAA’s bunsod upang mataranta ang mga kidnapper na napilitang abandonahin ang kanilang mga bihag sa takot na maabutan ng grupo ng militiamen na agad namang sumaklolo sa tatlong guro.

Nakatakas naman ang mga kidnapper na suma­kay ng pumpboat na hinihinalang nagbalik na sa pinagkukutaan ng mga ito sa Basilan na pugad ng Abu Sayyaf.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ACTIVE AUXILIARY

BRGY

COMMAND SPOKESMAN LT

LEE MARIANO

LERNA CABILIS

LIMAONG

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with