Trike vs van: 11 mag-aaral sugatan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Sugatan ang 11 mag-aaral matapos salpukin ng van ang traysikel sa harap ng Gallanosa National High School sa Barangay San Pedro sa bayan ng Irosin, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga sugatang naisugod sa Irosin District Hospital ay sina Alric Bitancor, Daisy Bitancor, Joy Bitancor, Judy Diolata, Raymark Orbina, Roselle Sarmiento, Eleanor Gepiga, Donita Norombaba, Jonalyn Roxas, Rizza Estape, Cherilyn Ramirez, at si Ruffa Ann Cerio na pawang mga estudyante ng nasabing paaralan at nakatira sa Barangay Salvacion.

Samantala, naaresto naman ang drayber ng van (RFB 526) na si Erwin Hibo, 33, ng Brgy. Balete, Bacon District, Sorsogon City.

Base sa police report, patungong bayan ng Matnog ang van nang mag-overtake sa sinusundang sasakyan bago sinalpok ang traysikel na lulan ang mga biktimang pauwi na.

Show comments