BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Umabot na sa tatlong buwan ang lamay ng burol ng lola kung saan ginawang negosyo sa Laoag City, Ilocos Norte, ayon sa ulat kahapon. Ito ay matapos na makarating kay acting Mayor Eddie Domingo ang paggamit sa bangkay ng lola sa Barangay 8 na patuloy na pinaglalamayan upang maging ligal ang pasugalan. Napag-alaman na halos tatlong buwan na umanong pinaglalamayan ang bangkay ng Lola subalit walang balak ang mga kamag-anak na ihatid ito sa huling hantungan. Agad namang pinag-utos ni Mayor Domingo na tanggalin na ang mga itinayong tolda na ginagamit na pasugalan at ilibing na rin ang bangkay. Sinabi naman ng pamilya ng namatayan na kanilang ililibing ang bangkay ngayong Disyembre subalit hindi tinukoy kung anong araw ito isasagawa.