QUEZON ,Philippines — Pinaniniwalaang hindi na nakayanan ng isang 75-anyos na lolo ang matinding sakit ng tiyan kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Matipuno sa bayan ng San Antonio, Quezon kamakalawa ng madaling-araw.
Ayon kay SPO1 Joseph Ramirez, bandang ala-una ng madaling-araw nang matagpuang nakabitin sa kisame ng bahay ang biktimang si Cresenciano Mercado.
Sa salaysay ng asawa, lumilitaw na bago nagpatiwakal ng biktima ay idinaraing nito ang matinding pananakit ng tiyan hanggang sa makatulugan nito.