^

Probinsiya

Army Major, 3 pa timbog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridad ang isang Army major, isang corporal at dalawa pa ng mga itong kasabwat sa kaso ng kidnapping for ransom matapos ang ilang minutong shootout kahapon ng madaling-araw sa Cagayan de Oro City.

Batay sa ulat, kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang nasakoteng mga suspek na sina Major Mikunug Tangote, Commanding Officer ng Military Police ng Army’s 4th Infantry Division (ID) na nakabase sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro City; Corporal Harvey Boreta.

Arestado rin ang dalawa pa na sina Drisha Mohamad at Yahya Tomawis matapos ang mga itong makorner ng mga awtoridad sa kahabaan ng Masterson Avenue, Upper Carmen bandang alas-12:30 ng madaling-araw.

Ayon kay Cruz, unang nasakote ng mga awtoridad sina Tangote, Mohamad at Tomawis matapos ang ilang minutong shootout sa mga suspek na nasabat ng mga awtoridad habang lulan ng isang kulay pulang Mazda Sedan (LMH-314) sa nasabing lugar at sumunod si Boreta na nagsilbing spotter sa ginanap na payoff sa umano’y kinidnap ng mga itong negosyante.

Narekober  mula sa mga suspek ang isang cal .45 pistol, isang armscor .45 pistol na may apat na bala, isang cal .45 colt brand na may magazine, isang cal .45 pistol at 109 bala ng nasabing armas, isang unit ng kulay itim na XRM motorsiklo na ginamit ni Boreta at ang nasabing Mazda Sedan.

AGRIMERO CRUZ JR.

BORETA

CAMP EVANGELISTA

COMMANDING OFFICER

CORPORAL HARVEY BORETA

DRISHA MOHAMAD

ISANG

MAZDA SEDAN

ORO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with