2 nagbigti dahil sa kahirapan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines  – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang dalawang mister na sinasa­bing hindi nakayanan ang kahirapan sa buhay matapos magbigti sa magkahiwalay na lugar sa Ilocos Norte at Quezon kamakalawa. Si Christian Jake Balam, 22, ay nagbigti sa likuran ng kanilang bahay sa Barangay Salsalamaqui sa bayan ng Vintar, Ilocos Norte. Sinasabing humingi muna ng P10 sa kanyang ina ang biktima bago isinagawa ang pagsalubong kay kamatayan. Samantala, si Abel Banawa, 27, ay nagbigti malapit sa kanilang bahay sa Barangay Mangilag Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Show comments