1 todas, 11 sugatan sa road mishap
MANILA, Philippines - Patay ang isang 45-anyos na lalaki habang 11 naman ang nasugatan matapos na sumalpok ang kotse sa dalawang sasakyan bago bumaliktad sa kalsadang sakop ng Sitio Bayabasan, Barangay Kaylaway sa bayan ng Nasugbu, Batangas.
Sa ulat na tinanggap ni PNP-Highway Patrol Group Director P/Chief Supt. Leonardo Espina, kinilala ang nasawi na si Josephine Ganod, sales representative at nakatira sa Makati City.
Naisugod naman sa Metropolitan Hospital ang mga sugatang sina Soradej Meesaengtham, Jamaica Silvano, Gabrielle Silvano, Jasmine Gabriel, Rosalie Dolor, Teresa Cahugom, Eunice Meesaengtham, Jonamae Casambros, Arnold Casambros, Manuel de Jesus at si Joemar Vecinal.
Lumilitaw na sinalpok ng Toyota Avanza (ZLF 137) ni Eunice Meesaengtham na patungo sana sa Terrozas de Punta Fuego Resort mula Manila ang dalawang sasakyan saka bumaliktad.
- Latest
- Trending