MANILA, Philippines - Masaklap na kapalaran ang sinapit ng isang dalagita matapos itong lasingin at pinilahan ng limang kalalakihan sa inabandonang bahay sa General Santos City, South Cotabato, kamakalawa ng gabi.
Base sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang krimen sa Purok San Miguel sa Barangay Calumpang sa pagitan ng pasado alas-8 ng gabi hanggang alas-2 ng madaling-araw.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat bago ang insidente ay niyaya ng mga suspek ang biktima na makipag-inuman. Nang hindi na makagulapay dala ng kalasingan ay dinala ng mga suspek sa abandonadong bahay ang dalagita saka isinagawa ang maitim na balak.
Samantala, nadakip naman ng pulisya ang dalawa sa limang suspek na sina Jimuel Arnejo at Jeffrey Ortiz habang ang tatlo ay patuloy na tinutugis.