Ambulansya, generators ipinamahagi ni Ebdane
IBA, Zambales, Philippines – Pormal nang ipinagkaloob ni Gov. Jun Ebdane ang mga brand-new at fully-equipped ambulances sa tatlong pampublikong ospital upang lalong maisulong ang serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng programang medical system modernization.
Ang bagong ambulance fleet ay binubuo ng tatlong brand-new units na Toyota Hi-Ace commuter na nagkakahalaga ng P1.2 milyon na ginawang emergency vehicles kung saan kumpleto ng stretchers, oxygen tank mounts at basic medical apparatus.
Kabilang sa nabiyayaan ng ambulansya ay ang director ng Ramon Magsaysay Memorial Hospital, ang provincial hospital sa Iba, at sa dalawa pang district hospital sa mga bayan ng Candelaria at San Marcelino.
Isa pang second-hand Volkswagen ambulance mula sa Alemanya na donasyon ng private firm ay dadalhin sa Provincial Engineer’s Office bilang stand-by unit na puwedeng i-dispatch sa panahon ng emergency.
Nagbigay din si Ebdane ng generator sets sa 13 bayan sa nasabing lalawigan maging sa Zambales police office at sa kampo ng Philippine Army sa bayan ng Palauig.
“Bahagi ito sa ating pangarap na fully-subsidized health care service sa Zambales, gusto natin na ang serbisyong medical ay maipaparating sa taumbayan sa halip na ang taumbayan ang naghahabol para sa serbisyong pangkalusugan,” pahayag ni Ebdane sa ginanap na turn-over ceremony sa Capitol grounds.
- Latest
- Trending